Tuesday, July 28, 2015

Watch how we put your braces on!


With the desire to smile with confidence and look good, people with overcrowded teeth or spacious gums put braces on.  It is such a painful therapeutic approach to attain the right symmetry and correct positioning of the teeth.  Painful and yet it takes time.  But do orthodontics/dentists do this trick?  Watch how these guys put those metals to your teeth in order to achieve that perfect smile!

Friday, July 24, 2015

ANO ANG REAKSYON NG ISANG PILIPINONG HINDI INC SA MGA NANGYAYARI SA INC


Sa totoo lang, wala naman dapat akong pakialam sa mga INC o sa pamilya Manalo dahil una sa lahat hindi ako myembro ng samahan na pinangungunahan ng mga Manalo at pangalawa, marami akong mas dapat problemahing mga bagay na pansarili, kagaya ng Clash Of Clans o ang fluctuations ng prices sa Stock Market. Marahil ay hindi sapat ang nalalaman ko tungkol sa mga tunay na pangyayari sa kanila dahil naka-rely lang ako sa impormasyong nakakaabot sa akin.  AWA AT PAGKABAHALA ang nararamdaman ko base sa aking mga nakikita at naririnig sa TV, Radyo at Internet.  Bilang isang Pilipino hindi ko maiwasang mag-react sa mga shocking na rebelasyon ng samahang sadyang sikat na sikat sa larangan ng relehiyon sa aking bansang Pilipinas.

AWA
Nakakaawang makita ang isang pamilyang Pilipino na nagdadaan sa ganitong pagsubok. Pagsubok man o parusa, hindi natin alam.  Pero isa ang malinaw, ang epekto nito sa pamilya Manalo at sa maraming myembro ng INC pati na ng mga hindi INC ay hindi kanais nais.  Mahihiling mo na lamang na sana ay hindi ito mangyare sa sarili mong pamilya.  Sariling ina at kapatid na mismong kadugo mo ang hindi mo kasundo sa kabila ng sila dapat ang una mong katulong upang malutas ang mga problema sa buhay.  Sana ay makahanap sila ng solusyon sa bago mahuli ang lahat.  Ang isa pang nakakaawa ay ang mga nakakastress na balitang ang buhay na ng mga myembro/ministro ang nanganganib.  Hindi kaya masyado namang OA na umabot pa sa ganoon kung masusulusyonan naman ang tensyong ito sa pamamagitan ng maayos na usapan?  Kapag buhay na ang usapan, hindi ko mapigilang maawa sa mga posibleng mawalan ng buhay bunga ng hindi maayos na pagresolba sa problema.  Haaay, sana'y maayos nyo yan at wag na sana mang damay pa ng iba.

PAGKABAHALA
Mga pulis at matataas na government officials na syang nagsisilbing galamay?  Oh my goodness naman!  Sana ay hindi totoo, na marami sa kanila ay nagsisilbing galamay at pangil ng pamunuan ng INC para kumilos at magpatupad ng sarili nilang batas.  Nakakabahalang isipin na ang mga empleyado ng gobyerno na ito ay tuta ng isang sikat na sikat na relehiyon sa Pilipinas.  Kung totoo man, wag naman sanang lumala pa.  Napakaraming Pilipino (iba't ibang relehiyon) ang nangangailangan ng tulong at proteksyon mula sa ating kapulisan at government officials at ang maalaman na nagpapaimpluwensya ang ilan sa kanila sa dikta ng mga pinuno ng INC ay unfair para sa ibang relehiyon o sekta.

Walang sinoman sa atin ang may karapatang humusga sa kapwa nya base sa kanyang ginawa o sinabi dahil lahat tayo ay mga taong nagkakamali at nagkukulang kapag nalalagay sa mga sitwasyong hindi pa tayo sanay.  Mga tao din ang mga Manalo, mga kapwa natin Pilipino na hindi perpekto.  Hindi ako abugado na nais makipagkatwiranan sa kaninoman, pero sana bilang Pilipino ay sama sama natin silang isama sa ating panalangin sa halip na batuhin ng batuhin ng pula at negatibong comments. #lablablang

Written by: NotAnINC