Presyo ng Dyamante Pinangangambahang Bumaba Dahil sa mga Fake Diamonds mula sa China
Ang pagkalat ng mga synthetic na dyamante sa China, na orihinal na ginawa upang gamitin sa iba"t ibang industriya kagaya ng oil drilling, ay pinangangambahan ngayon sa global market. Dahil dito napilitan ang isang kilalang kumpanya ng dyamante na De Beers na mag invest ng milyon milyong dolyar sa mga paraan upang makilala ang man-made na dyamante na katulad na katulad ng mga original o natural.
Isang grupo ng mga scientist mula sa De Beers ang kasalukuyang nagaaral upang tuklasin ang mga paraan kung paano makikilala ang mga pagkakaiba ng synthetic at tunay na dyamante, habang ang iba naman ay nagtatrabaho upang magdevelop ng mga high-tech machines na may kakayanang salain ang mga "fake diamonds".
"They want to be confident in the diamonds they are buying for their business or sellingto jewellry retailers," sabi ni Jonathan Kendall, presidente ng De Beers' International Institute of Diamond Grading Research, sa isang interview. Sa maraming taon, si Kendall ay nanguna sa grupo ng mga researchers sa London upang labanan ang mga synthetic diamonds na ibinibenta sa halagang kagaya ng totoong dyamante.
Source: South China Morning Post